20 mga estudyante ‘sinapian’

Cotabato, Philippines---Binulabog ng sigawan at iyakan ang Notre Dame Village High School matapos umanong ‘sapian’ ang may 20 mga estudyante dakong ala-s 9:00 ng umaga kahapon.

Ayon kay Assistant School Principal Dr. Samuel Bayeta ng naturang paaralan nangyari ang insidente matapos ang flag ceremony ng mga estudyante.

Nabatid na karamihan sa mga estudyante na umano’y inatake ay nasa third year level, ang iba naman ay nasa first year level, grade 9 at senior high school. Maalaalang noong nakaraang Miyerkules, July 2, habang nagsasagawa ng simultaneous disaster preparedness drill ang mga estudyante ng NDVNHS ay bigla na lamang nakaramdam ng pagkahilo ang mga ito, ang iba naman ay hinimatay at ang iba naman ay naging bayolente at sumisigaw.

Kahapon, pagdating ng mga nurse mula sa City Health Office ay nakabulagta na ang mga nasabing estudyanteng sinasabing sinaniban daw ng masamang espiritu at nag -iiyakan.

Sa ngayon dinala na ang 13 mga estudyante sa Cotabato Regional Medical Center. Samantala suspendido naman ng tatlong araw ang klase ng nasabing eskwelahan dahil sa naturang insidente.

 

Show comments