Russian tiklo sa droga
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 28, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang Ruso matapos itong makum­piskahan ng bawal na droga sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt. Wilben Mayor, spokesman ng PNP ang suspek na si Victor Seraeevich Saminsky na pansamantalang nanunuluyan sa Guisi, Barangay Agus sa nasabing lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-12:10 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng  Lapu-Lapu City PNP ang suspek  makaraang masamsaman ng ilang plastic sachet ng shabu. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa illegal na aktibidades ng suspek kaya inilatag ang operasyon. Isinailalim na sa kustodya ng Lapu Lapu City PNP ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002.

BAGSAK BARANGAY AGUS CAMP CRAME DRUGS ACT LAPU LAPU CITY LAPU-LAPU CITY SENIOR SUPT VICTOR SERAEEVICH SAMINSKY WILBEN MAYOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with