_ngayon
^

Probinsiya

Lola arestado sa droga

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng 60-anyos na lola makaraang masakote ng mga awtoridad kaugnay sa pagpupuslit ang shabu para sa kanyang anak na nakakulong sa Albay District Jail sa Barangay Tagas, bayan ng Daraga, Albay kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Adela Sadia ng Barangay Rawis sa Legazpi City. Batay sa ulat, sumailalim sa routine inspection ang suspek at ilang bibisita sa kulungan. Gayon pa man, napansin ni JO1 Marcelino Rico ang ice cream container na bitbit ng suspek kaya binusisi kung saan natagpuan ang 2-plastic sachet ng shabu at aluminum foil. Kaagad na inaresto ang suspek na magdadala sana ng pagkain sa kanyang anak na nakakulong.

ADELA SADIA ALBAY ALBAY DISTRICT JAIL BARANGAY RAWIS BARANGAY TAGAS BATAY DARAGA GAYON LEGAZPI CITY MARCELINO RICO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with