Tatay nagpatihulog sa bus

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang naburyong sa matinding problema sa pamil­ya ang 52-anyos na tatay kaya nagdesisyong magpakamatay matapos itong  tumalon mula sa tumatakbong pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pasay, bayan ng Del Gallego, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Ragay District Hospital subalit namatay din ang biktimang si Eulogio Ramos ng Pacita Complex I, San Pedro City, Laguna. Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa kahabaan ng Andaya Highway habang lulan ang biktima ng Apple City Bus (EVP-759) na minamaneho ni Gelson Gonowon. Nabatid na nakaupo sa ikatlong upuan ng pampasaherong bus ang biktima nang bigla itong tumayo at tumalon. Agad na inihinto ng driver ang bus upang saklolohan ang biktima kung saan blangko pa ang pulisya sa naganap na insidente.

Show comments