21-anyos ni-rape slay ng adik

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang  sinapit ng 21-anyos na dalaga makaraang halayin at pinagtataga pa ng di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa bawal na droga sa Barangay Ariman, bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si May Ofalsa, sales lady ng Rosef Trading at residente ng nabanggit na barangay. Bandang alauna y medya ng hapon nang matagpuang nakahandusay sa tabi ng ilog sa Sitio Tangke ang biktima kung saan wala ring saplot sa katawan. Posibleng kakilala ng biktima ang suspek kaya tinuluyang patayin para itago ang kanyang pagkatao habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments