Kuya itinumba ni bunso

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding alitan sa pinag-aagawang lupa kaya napatay ang 36-anyos na kuya ng kanyang bunsong kapatid sa Barangay Gatub, bayan ng Lakewood, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Rogelio Pinaso habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Kagawad Abelino Pinaso, 28, may asawa, ng Purok 6 sa nasabing barangay. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Inspector Robert Ortega, PNP regional spokesman, naganap ang pamamaslang sa Purok 6 bandang alas-6 ng umaga. Nabatid na naglalakad ang biktimang pauwi nang biglang harangin at pagbabarilin ng sarili nitong kapatid.

Show comments