_ngayon
^

3 notoryus tulak-droga, tiklo

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2014 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines - - Naghihimas ng rehas na bakal ang tatlong notoryus na drug pusher matapos arestuhin ng mga tauhan ng Phil. Drug enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya sa inilatag na drug bust operation sa Purok Malipayon, Barangay Ambalgan sa bayan ng Sto. Niño, South Cotabato kamakalawa ng madaling araw. Pormal na kinasuhan ng Sto. Niño PNP ang mga suspek na sina Andungo Ambalgan, ang mag-asawang Abubakar Daomilang at Bai Lyn Daomilang. Nasamsam sa mga suspek ang mga plastic sachet ang shabu na tumitimbang na 75 gramo matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng South Cotabato PNP, Philippine Drug Enforcement Agency at Provincial Anti Drug Abuse Council ang pamamahay ng mag-asawang Daomilang. Kinumpiska rin ang cal. 45 pistol ,home made 5.56mm revolver at 15-bala ng nabanggit na baril.

ABUBAKAR DAOMILANG ANDUNGO AMBALGAN BAI LYN DAOMILANG BARANGAY AMBALGAN DRUG ABUSE COUNCIL DRUG ENFORCEMENT AGENCY PUROK MALIPAYON SOUTH COTABATO STO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with