Army sergeant dinukot

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 8, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army ang beteranong Army sergeant matapos itong harangin sa highway ng Barangay Andap, bayan ng Laak, Compostela Valley kamakalawa. Kinilala ni Captain Ernest Carolina ang kinidnap na si Sergeant Jerico Ray ng Army’s 72nd Infantry Battalion. Nabatid na naglatag ng pekeng checkpoint ang mga rebeldeng naka-asul na athletic uniform ng PNP sa bisinidad ng nasabing lugar kung saan nagkataong napadaan ang biktimang nagmomotorsiklo patungong kampo. Sa pahayag ng mga residente, puwersahang kinaladkad ng mga rebelde ang biktima matapos itong makorner sa checkpoint. Sa kasalukuyan ay hinihintay ng Army’s 10th Infantry Division ang opisyal na pahayag at pag-amin ng mga rebelde kaugnay sa naganap na pagdukot sa sarhento.

 

BARANGAY ANDAP CAPTAIN ERNEST CAROLINA COMPOSTELA VALLEY DINUKOT INFANTRY BATTALION INFANTRY DIVISION KINILALA LAAK NEW PEOPLE SERGEANT JERICO RAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with