Karnaper arestado

BULACAN, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng 28-anyos na lalaki matapos itong masakote kaugnay sa kinarnap nitong kotse sa bahagi ng Taal, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Jupiter Pasuelo ng Barangay Muzon sa Cubao, Quezon City. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, sinamantala ng suspek ang may-ari ng Toyota Innova (TGQ-991) na si Jianni Fajardo na pumasok sa hardware store bago kinarnap ang nakaparada nitong sasakyan sa parking lot. Gayon pa man, ilang metro pa lamang nakalalayo ay biglang huminto ang kinarnap na sasakyan  kung saan nakatawag ng pansin sa ilang residente kung saan mabilis na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad. Arestado naman ang suspek kung saan nasamsam ang iba’t ibang uri susi ng sasakyan kabilang ang pick lock na ginamit nito sa nasabing kotse.

Show comments