^

Probinsiya

Sundalo patay sa training

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Hindi na maipagpapatuloy ang pagiging sundalo ng 24-anyos na lalaki matapos itong malunod habang nagsasanay sa ilog ng Sitio Madlum sa Barangay Sibul, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa San Miguel District Hospital ang biktimang si Cadet Jefferson Guzman ng San Quintin, Pangasinan at nagsasanay sa First Scout Ranger Regiment sa Camp Tecson, Barangay Tartaro sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni Capt. Russel Bawat, nagsagawa ng Scout Ranger Orientation Course ang ilang kandidato sa pagka-sundalo ng Philippine Army kabilang ang biktima sa ilog bilang bahagi ng mountaineering exercise. Habang sumisisid ang mga kadete kung saan nalunod sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima. Tumagal ng ilang minuto ang paghahanap hanggang sa makita ang katawan nito may ilang metro ang layo.

BARANGAY SIBUL

BARANGAY TARTARO

CADET JEFFERSON GUZMAN

CAMP TECSON

FIRST SCOUT RANGER REGIMENT

PHILIPPINE ARMY

RUSSEL BAWAT

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL DISTRICT HOSPITAL

SAN QUINTIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with