10 tiklo sa shabu tiangge

Isa sa sampu na sinasabing drug pusher  ang pinoposasan ng mga operatiba ng pulisya makaraang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Army, PNP SWAT team, at Phil. Air Force ang tinaguriang shabu tiangge sa Barangay Datu Esmael sa Dasmariñas City, Cavite. Joven Cagande

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng sampung sibilyan na sinasabing notoryus na drug pusher makaraang masakote ng mga awtoridad sa sinalakay na shabu tiangge sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling araw.

Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina  Jobber Guro,  Maromaya Noron Campong,  Hamsia Bonsa, Abdulasis Naga Ariong, Albane Mindalano Bagul, Ryan Di­sumimba Macapaar, Alharti Esmael Bonsa,  at tatlong iba pa. Sa ulat ni P/Supt. Carlos Barde, hepe ng Dasmariñas City PNP, ang pagsalakay ay base sa inisyung anim na search warrant nina Judge Agripino Morga ng Regional Trial Court Branch 32 at Judge Cynthia R. Mariano-Ricablanca ng Regional Trial Court Branch 27 sa Sta. Cruz, Laguna. Nasamsam sa mga suspek ang 36 gramo ng shabu at mga drug paraphernalias.

Show comments