Opisyal ng barangay itinumba

BULACAN , Philippines  â€” Napaaga ang salubong ni kamatayan ng 39-anyos na hepe ng mga barangay tanod matapos itong pagbabarilin  ng dalawang kalalakihan sa Barangay Biak na Bato, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Dalawang bala ng shotgun ang tumapos sa buhay ni Michael Montehermoso ng Sitio Gulod sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Florante Rasco, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang mga anak nang mapansin nito na may umaaligid sa kanilang bahay. Kaagad na lumabas ng bahay ang biktima para magtago para hindi madamay ang kanyang mga anak subalit maagap na niratrat siya ng gunmen. Naisugod pa sa Emmanuel Hospital ang biktima subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 

Show comments