Snatcher nanaksak, inutas ng taumbayan
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2014 - 12:00am

Cavite, Philippines - - Naging mitsa ng isang umano’y snatcher ang pananaksak nito ng dalawa katao matapos na patayin sa gulpe ng kumuyog ditong galit na taumbayan sa Brgy. Niog, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing suspek ay nakilalang si Fernando Lopez alyas Pandoy, 47 anyos, obrero sa construction at residente ng Brgy. Panapaan ng lungsod na ito.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawang sugatang biktima na sina Philip Albinio, 28 anyos ng Brgy. Niog at Isagani Pineda, 57; matapos na kapwa magtamo ng mga saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Angelito Roxas may hawak ng kaso, alas 7:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa nasabing lugar matapos na habulin ng dalawang biktima ang umano’y kawatang suspek na nambiktima sa mga ito.

Nang makita ng taumbayan ang insidente ay nakihabol din ang mga ito sa suspek at ng maabutan ay kinuyog saka ginulpe na siya nitong ikinamatay.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa pagsisiyasat ang kasong ito.

ANGELITO ROXAS BACOOR CITY BRGY CAVITE FERNANDO LOPEZ ISAGANI PINEDA ISINASAILALIM KASALUKUYAN NANG PHILIP ALBINIO
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with