^

Probinsiya

Diyakono pinabulagta

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang 43-anyos na diyakono matapos barilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang pamilya sa Sitio Sarmineto, Barangay Dado sa bayan ng Alamada, North Cotabato noong Biyernes ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Reynaldo Manganyan Gutoman. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pauwi ang biktima kasama ang kanyang pamilya mula sa pananambahan na may ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay nang harangin at barilin sa likurang bahagi ng katawan. Narekober sa crime scene ang basyo ng bala ng cal. 5.56 rifle habang patuloy pa ang imbestigasyon.

 

ALAMADA

BARANGAY DADO

BIYERNES

CHIEF INSP

JOEFREY TODE

KINILALA

NORTH COTABATO

REYNALDO MANGANYAN GUTOMAN

SITIO SARMINETO

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with