^

2 mangingisda nawawala sa dagat

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patuloy na pinaghahanap ngayon ng pulisya at Bantay Dagat ang dalawang mangingisdang napagawi sa kinatatakutang Pulong Diablo kung saan pinaniniwalaang lumubog ang kanilang bangka sa karagatan ng Pasipiko sa Dinapigue, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Insp. Jose Torrijo, hepe ng Pulisya ng Dinapigue, ang mga nawawala na sina Elmer Angara at Manuel Bactul na kapwa residente ng Brgy. Digumased, Dinapigue.

Ayon sa pulisya, naglayag upang mangisda ang mga biktima sa kabila ng malalaki at malalakas na alon sa karagatan dulot ng Amihan.

Noong nakaraang linggo, sa parehong Pulong Diablo rin natagpuan ang lumulu-tang na bangkay ng kanilang ka-barangay na si Benjie Agustin matapos ding sirain ng alon ang kanilang bangka. Dalawang kasamahan ng biktima ang nakaligtas at nasagip na palutang-lutang sa karagatang sakop ng kalapit bayan ng Palanan.

 

AMIHAN AYON BANTAY DAGAT BENJIE AGUSTIN DINAPIGUE ELMER ANGARA JOSE TORRIJO MANUEL BACTUL PULONG DIABLO SR. INSP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with