P1.5-M damo nasabat
Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2014 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Kalaboso ang binagsakan ng 18-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa tangkang pagpupuslit ng 82-bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa isinagawang operasyon sa Barangay Naganacan, bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr. ang suspek na si Raymund Sinumplag ng Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga. Samantala, dalawa sa kasabwat ni Sinumplag ang nakatakas matapos matunugan ang inilatag na drug bust operation ng pulisya. Nabatid na isinilid ang kontrabando sa tatlong kahon na tangkang dalhin sa Maynila subalit natunugan ng mga operatiba ng pulisya sa bus station.

BARANGAY LACNOG BARANGAY NAGANACAN ISABELA KALABOSO KALINGA MAYNILA NABATID RAYMUND SINUMPLAG SENIOR SUPT SOTERO RAMOS JR. TABUK CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with