Binata nakipag-eyeball binaril, kritikal

NUEVA ECIJA, Philippines –Nakikipagbuno ngayon kay kamatayan ang isang 20-taong gulang na binata makaraang barilin sa dibdib ng kasama ng babaeng ka-‘eyeball’ nito sa isang gasolinahan sa Brgy. Matias,  Talavera sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Patuloy na isinasalba  sa Dr. Paulino J. Garcia Extension Hospital ang biktimang  si Jarred Baldedara, ng Brgy. Bantug Hacienda sa bayang ito.

Nabatid sa imbestigas­yon na matapos umanong dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay ay nagpasama si Baldedara sa pinsan nitong si Kenard Baldedara, 16, na makipagkita sa kanyang ka-textmate na nakilala lamang sa pa­ngalang ‘Cassey’.

Bandang alas-7 umano ng gabi ang napagkasunduang oras ng biktima at ni Cassey na magkikita sa Petrofil Gas Refilling Station  kung saan isa sa apat nitong kasama ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima.

Sa paglalarawan ng pulisya ay may taas umanong  5’7”, may nunal sa kaliwang pisngi, nakasuot ng pulang t-shirt at maong na pantalon ang tinutugis na suspek.

 

Show comments