1 utas, 15 sugatan sa karambola

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa motorcycle rider habang sugatan naman ang 15 iba pa makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kasalubong na jeepney saka motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Rafael, bayan ng Sto. Tomas, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Bernard Danie Dasugo, hepe ng Sto. Tomas PNP ang namatay na si Leopoldo Cabanilla habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang pasahero ng jeepney. Agad namang tumakas ang driver at konduktor ng ALPS Bus Liner na ngayon ay tugis ng pulisya. Ayon sa opisyal,  ang ALPS bus na patungong kabisera ng Sto. Tomas ay nag-overtake sa sinusundang sasakyan nang masalpok ang jeepney. Kasunod naman ng jeepney ang motorsiklo na minamaneho ng biktima kaya naipit ito sa banggaan.

Show comments