^

Probinsiya

Maguindanao blast: Misis sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines – Magkasunod na pagsabog ang  yumanig sa Barangay Tinantao sa bayan ng Parang, Maguindanao kung saan nasugatan ang 54-anyos na misis kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Gani Miro, hepe ng Parang PNP, ang biktima na si Erlinda Bulangis ng Barangay Sarmiento. Ayon kay Miro, naganap ang unang pagsabog sa gilid ng highway na nagkataong bumabaybay ang pampasaherong van na lulan si Bulangis kasama ang apat pang sibilyan. Makalipas ang 15-minuto, sumabog din ang itinamin na bomba sa di-kalayuan. Tumangging magbigay ng pahayag si Miro kung ang nasabing pagpapasabog ay may kaugnayan sa nagaganap na kaguluhan sa Midsayap, North Cotabato.

AYON

BARANGAY SARMIENTO

BARANGAY TINANTAO

BULANGIS

ERLINDA BULANGIS

GANI MIRO

KINILALA

MAGKASUNOD

NORTH COTABATO

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user