Mag-ama niratrat sa palaisdaan

CAVITE, Philippines – Napatay ang 44-anyos na ama habang nakaligtas naman ang anak nito makaraang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa palaisdaan sa Barangay Palangue 2, bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Armando Cajas habang nakaligtas naman ang anak si Arvin Cajas,15. Nabatid na nangingisda ang mag-ama nang lapitan at pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki.

Show comments