^

Kampo ng MNLF ni-raid ng BIFF

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2013 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines - Inatake ng pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa bahagi ng Barangay Kidama, bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon.

Ayon sa tagapagsalita ng 602nd Infantry Brigade na si Captain Antonio Bulao, hepe ng civil military operations, sinunog ng mga miyembro ng BIFF ang ilang bahay ng mga miyembro ng MNLF kung saan sumiklab ang bakbakan.

Nagsilikas naman ang 70-pamilya sa takot na maipit sa kaguluhan.

Kaagad namang umatras ng mga rebelde na pinamumunuan ni Kumander Alimansur Imbong ng MILF 108th Command.

Lalong tumindi ang tensiyon sa pagitan nila kumander Datu Dima Ambil ng MNLF Sebangan Kutawato Revolutionary Committee (MNLF-SKSRC) at grupo ng MILF/BIFF.

Pinaniniwalaang rido at clan feuds ang isa sa pinag-ugatan ng kaguluhan sa bayan ng Matalam na nagsimula pa noong Mayo 2013. ­

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS BARANGAY KIDAMA CAPTAIN ANTONIO BULAO DATU DIMA AMBIL INFANTRY BRIGADE KUMANDER ALIMANSUR IMBONG MATALAM MORO NATIONAL LIBERATION FRONT NORTH COTABATO SEBANGAN KUTAWATO REVOLUTIONARY COMMITTEE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with