Sanggol swak sa dagat

CAVITE, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang 10-buwang gulang na sanggol matapos mahulog sa butas ng kanilang bahay sa gilid ng dalampasigan ng Sitio Lo­ngos, Barangay Zapote 5, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw.  Bandang alas-4 ng madaling-araw nang matagpuang nakalutang ang bangkay ni Lyka Jane Payot matapos mapahiwalay sa kanyang inang si Abigail na natutulog. Base sa police report, nakatulog si Abigail nang hindi nito namalayang gumapang ang sanggol hanggang sa mahulog sa butas kung saan bumagsak sa tubig-dagat. Tumanggi naman ang ina na isailalim sa post-mortem examination ang kanyang anak.

Show comments