^

Probinsiya

2 JIL preachers pinatay ng 2 pulis

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa trabaho at makalaboso ang dalawang pulis na pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay ng dalawang babaeng preacher ng Jesus is Lord (JIL) Movement sa bayan ng Balete, Batangas noong Martes (August 6)

Ayon kay P/Supt. Isagani Fetizanan, Batangas PNP deputy director for ope­rations, inutusan nila na mag-report sa Camp Miguel Malvar Police Office ang mga suspek na sina PO3 Jose Rico Benitez at PO2 Mhelven Pagkaliwangan, kapwa nakatalaga sa Belete PNP para sumailalim sa administrative investigation.

Sina PO3 Benitez at PO2 Pagkaliwangan ay iniuugnay sa pagpatay sa mga bik­ti­mang sina Adelaida Fa­b­ri­cante, 46, ng Barangay Palsara at Leonila Cafe, 48, ng Barangay Sala.

Nabatid na unang pinalabas na ulat ng Balete PNP na sina Fabricante at Cafe ay biktima ng hit-and-run matapos matagpuan sa gitna ng barangay road sa Barangay Makina noong Martes ng gabi.

Napag-alamang kagaga­ling lang ng mga biktima sa prayer meeting ng JIL prayer sa Barangay Magape nang makisakay sa mobile ng mga suspek papauwi bago natagpuang patay sa gitna ng kalsada.

“Maraming miyembro ng JIL na nagpapatunay na nakisabay ang dalawa sa mobile patrol car ng dalawang pulis bago sila natagpuang patay,” pahayag ni Mayor Jovencio Hidalgo

Kasunod nito, nag-utos pa rin ng panibagong im­bestigasyon si Balete Mayor Hidalgo matapos dumagsa ang libu-libong  residente sa munisipyo para kondenahin ang pagpatay sa dalawang biktima.

Gayon pa man, humingi na rin ng tulong si Mayor Hidalgo kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon kasama ang kanyang mga abogado at medico-legal doctors.

“Base sa resulta ng post-mortem examination ng PAO sa dalawang biktima, kapwa nagtamo ng mga hataw ng matigas na bagay sa  ulo, likod, mukha, may mga marka ng suntok sa kanilang hita at marka ng pagsakal ang mga biktima,” dagdag pa ni Mayor Hidalgo.

Inihahanda na rin nina Hidalgo at Acosta ang pagsasampa ng kasong kriminal sa Provincial Pro­secutors Office sa Batangas ngayong araw laban sa dalawang suspek.

Mariin namang itinanggi ng dalawang pulis ang akusasyong pinatay nila ang mga biktima noong Martes ng gabi (Aug. 6)

 

ADELAIDA FA

BALETE MAYOR HIDALGO

BARANGAY MAGAPE

BARANGAY MAKINA

BARANGAY PALSARA

BATANGAS

MAYOR HIDALGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user