Doctor itinumba ng tandem

STA. MARIA, Pangasinan, Philippines – Napatay ang 54-anyos na doctor matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion West sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan noong Biyernes ng hapon. Napuruhan sa ulo si Dr.

Custodio del Cruz, municipal health officer at nakatira sa Barangay San Patricio. Sa ulat ni P/Senior Insp. Roldan Suitos, nagmomotorsiklo ang biktima nang ratratin ng tandem bandang alas-5:35 ng hapon. Naisugod pa sa Sacred Heart Hospital sa Urdaneta City subalit

namatay din ang biktima. Pinaniniwalaang alitan personal ang isa sa motibo sa pamamaslang. The Phil. Star News Service

Show comments