Jail warden nanutok, tiklo

CAMARINES NORTE, Philippines – Sa halip na magbantay ng mga inmates, isang Jail warden ng Bureau of Jail Management and Penolgy (BJMP) ang bagsak kalaboso matapos na ireklamo ng isa sa mga customer na hindi nito binayaran sa Tabaco, Albay kamakalawa ng gabi.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Tabaco Police ang suspek na si Jail warden Sr. Inspector Vicente Bobis, nakatalaga sa BJMP sa Daraga, Albay na inireklamo ng kustomer na fruit vendor na tinutukan nito ng cal 9 MM pistol.Nakumpiska ng mga nagrepondeng awtoridad sa

suspek ang baril na ginamit at walong bala. Kasamang ikinulong ang dalawang kasamahan ng suspek matapos na manlaban diumano sa mga awtoridad. Nabatid na lasing ang suspek ng ito ay magwala sa loob ng videoke bar  at ng mahimasmasan ay labis ang pagsisisi

matapos na ireklamo na ngayon ay nahaharap din sa kasong paglabag sa election gun ban.

 

Show comments