SUV vs pickup: Pulis dedo, 5 sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang 31-anyos na bagitong pulis habang lima pa ang nasugatan sa naganap na salpukan ng dalawang sasakyan sakahabaan ng Murcia Road sa Barangay Mansilingan sa Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si PO1 Rio Salido ng 1st Maneuver Company habang sugatan naman sina PO1 Ian John Dindo, P/Senior Inspector Edison Garcia na pawang mga kasamahan ni Salido na lulan ng service Isuzu pickup. 

Samantala, nasugatan naman sa nakabanggaang Fortuner  na sina Joseph Rojas, driver ng Fotuner at  kapatid ng konsehal ng Bacolod City, Emmanuel Barela, at si Cesar Vicente. 

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na ang mga pulis ay patungo sa detachment ng Public Safety Ma­nagement Battalion 1st Maneuver Platoon sa Hacienda Ba­ling, Brgy. Blumentritt nang makasalpukan ng Toyota Fortuner ni Rojas na patungo namang Bacolod City.

 

BACOLOD CITY BARANGAY MANSILINGAN CAMP CRAME CESAR VICENTE EMMANUEL BARELA HACIENDA BA IAN JOHN DINDO JOSEPH ROJAS MANEUVER COMPANY MANEUVER PLATOON
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with