5 tiklo sa bawal na droga

BULACAN, Philippines - Lima-katao ang dinakma ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operation sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rommel Mamaril, 31, ng Brgy. Malinta sa Valenzuela City; Gino Ellan, 36, ng Brgy. Perez, Meycauayan City; Romulo De Guzman, 51, ng Brgy. Sto. Cristo, Pulilan; Ernani Tizon, 36, ng Brgy. Gatbuca, Calumpit; at si Alexander Villegas, 35, ng Brgy. San Luis, Pampanga.  Sa police report na nakarating kay P/Supt. Sydney Villaflor, ang mga suspek ay nasakote sa mga Brgy. Perez at Brgy. Longos kung saan nasamsam ang apat na plastic sachets ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Show comments