_ngayon
^

Customer ni-rape ng inspector ng Meralco

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2012 - 12:00am

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 42-anyos na inspector ng Meral­co matapos na ireklamo ng panggagahasa laban 37-anyos na misis sa Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Inday, territory specialist, ng Brgy. Calvario habang nahaharap naman sa kasong rape ang suspek na si Daniel Capundan ng Pangarap Village sa Caloocan City.

Sa ulat ni P/Supt. Sydney Villaflor,  lumilitaw na nagpunta ang suspek sa bahay ng biktima upang ipaalam na may iligal na koneksyon ng linya ng kuryente sa kanilang bahay.

Sinasabing tinakot ng suspek ang biktima na magmumulta ng malaking halaga o kaya makukulong ng ilang taon.

Mariing namang itinanggi ng biktima ang akusasyon ng suspek at nagpumilit na pumasok sa bahay ng misis.

Dito na isinagawa ang maitim na balak ng suspek kung saan muling kinausap ang biktima na magkita sila sa Barangay Banga upang muli nilang pag-usapan ang iligal na koneksyon.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay inilatag ang entrapment operation ng grupo nina P/Senior Insp. Randy Korret at P/Insp. June Tabogo-on matapos magreklamo ang biktima.

BARANGAY BANGA BRGY CALOOCAN CITY DANIEL CAPUNDAN JUNE TABOGO MEYCAUAYAN CITY PANGARAP VILLAGE RANDY KORRET SENIOR INSP SYDNEY VILLAFLOR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with