_ngayon
^

ABC president nag-suicide

Ed Casulla at Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2012 - 12:00am

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  –  Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 45-anyos na  presidente ng Association of Barangay Chairman (ABC) matapos itong magbaril sa sentido sa loob ng Barangay Hall sa Manga Street sa Barangay Liboton, Naga City sa Camarines Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Chairman Alex Nero ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas- 6:30 ng umaga  ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa likuran ng mesa sa loob ng opisina nito na may hawak pang cal. 45 pistol sa kanang kamay.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang kanang sentido.

Narekober ang suicide note ng biktima  sa ilalim ng drawer ng mesa nito na nagsasaad na nais na niyang wakasan ang kaniyang buhay.

ASSOCIATION OF BARANGAY CHAIRMAN BARANGAY HALL BARANGAY LIBOTON CAMARINES SUR CHAIRMAN ALEX NERO KINILALA LEGAZPI CITY MANGA STREET NAGA CITY SCENE OF THE CRIME OPERATIVES
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with