Tumanggi sa tagay, kinatay

TUGUEGARAO CITY , Philippines  – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng pahinanteng binata matapos itong pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ng pitong kasamahang senglot dahil sa pagtangging tumagay sa kanilang inuman sa Brgy. Sta. Rita, Aurora, Isabela kamakalawa. Sa ospital nasawi ang biktimang si Michael Villanueva habang tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Joey Agbayani 37, Elmer Marzan 45, Roger Tomines 36, Kalbo Parko 42, Domingo Villa 21, Joseph Macassudo 32 at John Dumlao 32. Sa ulat ni P/Supt. Vicente Valdez, lumalabas na inalok ng mga suspek ang biktima na tumagay sa kanilang inuman sa tindahan. Sa halip na paunlakan ang mga suspek ay sermon ang naging tugon ng biktima na pinagdamdam ng mga kabaro nito kaya siya pinagtulungang gulpihin at pagsasaksakin.

Show comments