UST graduate ni-rape, kinatay ng adik
Cristina Timbang, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang dalagang nagtapos sa University of Sto. Tomas (UST) makaraang patayin sa saksak ng mga di-kilalang lalaking adik sa bawal na droga na pinaniniwalaang hinalay pa nitong bisperas ng Undas sa Bacoor City, Cavite.

Apatnaput siyam na saksak ang tumapos sa buhay ng biktimang si Cyrish Magalang,  alumna ng UST College of Tourism and Hospita­lity Management sa España, Manila.

Sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao na nakarating sa Camp Crame,  ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa loob ng kubo sa madamong bahagi ng Gawaran Heights sa Barangay Molino 7 bandang alas-7:30 ng umaga.

Ayon pa sa police report, ang biktima ay may taas na 5’1” at tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakagapos ng straw ang mga kamay.

Huling namataang buhay ang biktima na bumibili ng barbeque sa nasabing lugar at nakasuot ng puting blusa, itim na shortpants at itim na sapatos bago sumakay ng traysikel bandang alas-8 ng gabi pauwi.

Ini-report naman sa pu­lisya ng magsasakang sina Sosimo Castor at Erwin Albar ang insidente matapos na madiskubre ang krimen habang nagdidilig ng kanilang pananim na gulay.

Samantala, labis namang ipinagtataka ng mga imbestigador ng pulisya kung bakit nakababa na ang shortpants ng biktima nang matagpuang naliligo sa dugo sa crime scene kung saan isinasailalim na ito sa post-mortem exa­mination upang alamin kung hinalay nga ng killer.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang pamilya at mga kaibigan ng biktima para sa hustisya sa kamatayan nito.

BACOOR CITY BARANGAY MOLINO CAMP CRAME COLLEGE OF TOURISM AND HOSPITA CYRISH MAGALANG ERWIN ALBAR GAWARAN HEIGHTS JOHN BULALACAO SENIOR SUPT SOSIMO CASTOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with