Heavyweight
Tinimbang nila si Robert Upshaw, ang replacement import ng Blackwater, at nanlaki ang mga mata nila.
Sa height na 7 feet, tumimbang si Upshaw ng 374 pounds (170.2 kilos).
Baka heaviest import in PBA history ang 32-year-old na Amerikano, na muntik ng kunin ng LA Lakers ‘nung 2015.
Pero sa bigat niya, nakakagulat ang kanyang kinilos. Sa first PBA game niya last week, nagtala si Upshaw ng 35 points, 14 rebounds at six assists. Kumana pa ng tatlong four-point shots.
Pinanalo niya ang Blackwater kontra Magnolia. First win ng mga bata ni Mr. Dioceldo Sy sa Commissioner’s Cup.
Ang balita, hinamon ni Boss Dio si Upshaw na magbawas ng timbang. One kilo every two days ang challenge.
Ang gusto ng team owner, mabawasan ng 20 kilos ang import. Anya, baka mas gumanda pa ang laro.
Medyo mahirap. Ang akin lang eh kung maganda ang takbo ng kotse, bakit kailangan ng overhaul.
Bakit hindi muna pagbigyan si Upshaw. Malay natin, ‘yun talaga ang fighting weight niya. Baka ‘yun ang advantage niya.
Mamaya ang next game ni Upshaw. Rain or Shine, undefeated in three games, ang kalaban.
May tip ako kay Boss Dio kung gusto niya kontrolin ng timbang ni Upshaw.
Huwag n’yo patikimin ng Mang Inasal.
- Latest

















