^

PSN Palaro

Pacers pumuwersa ng Game 7 sa Thunder

Pilipino Star Ngayon
Pacers pumuwersa ng Game 7 sa Thunder
Sinupalpal ni Tyrese Haliburton ng Pacers ang tira ni Shai Gilgeous-Alexander ng Thunder sa Game 6 ng NBA Finals.
STAR/ File

INDIANAPOLIS - Na­ka­taya ang kanilang season, ginawa ng Indiana Pa­cers ang nararapat para makapuwersa ng Game 7.

Kumamada si forward Obi Top­pin ng 20 points, habang may 17 markers si guard Andrew Nembhard para igiya ang Pacers sa 108-91 pagresbak sa Ok­la­homa City Thunder sa Game 6 at itabla sa 3-3 ang NBA Finals best-of-seven series.

Dadalhin ang ‘winner-take-all’ Game 7 sa Oklaho­ma City sa Lunes (Manila time).

Ito ang unang Game 7 sa NBA Finals sapul noong 2016.

Kumolekta si Pascal Sia­kam ng 16 points at 13 rebounds para sa pagba­ngon ng Indiana mula sa ka­biguan sa Game 5 at nag-ambag si Tyrese Haliburton ng 14 markers sa kabila ng iniindang strained right calf.

“We just wanted to protect home court,” sabi ni Ha­liburton. “We didn’t want to see these guys celebrate a championship on our home floor.”

“Backs against the wall, we just responded. So many different guys chipped in, total team effort. I’m really proud of this group,” dagdag nito.

Pinamunuan ni NBA MVP Shai Gilgeous-Ale­xander ang Thunder sa kan­yang 21 points, habang may 16 markers si Jalen Williams.

“Credit Indiana,” wika ni coach Mark Daigneault sa Pacers. “They earned the win. They outplayed us for most of the 48 minutes. They went out there and attacked the game.”

Hangad ng Thunder ang una nilang korona ma­tapos lumipat ang prangki­sa sa Oklahoma City no­­ong 2008 mula nang mag­kampeon noong 1979 bilang Seattle SuperSo­nics.

“We need to learn the lessons, and we have one game for everything we worked for, and so do they. The better team Sunday will win,” ani Gilgeous-Ale­xander.

Ang kauna-unahang NBA title naman ang ha­ngad ng Pacers matapos maghari sa American Basketball Association noong 1970, 1972 at 1973 bago su­mama sa NBA bilang bahagi ng ABA-NBA mer­ger noong 1976.

Naimintis ng Indiana ang una nilang walong tira sa pagbubukas ng laro at naiwanan sa 2-10.

Ngunit kumamada ang Pacers ng 36 points sa kabuuan ng second quarter kasabay ng paglimita sa Thunder sa 17 markers para kunin ang 64-42 halftime lead.

Pinalaki pa ito ng India­na sa 28 points sa third quarter hanggang ipahinga ni Daigneault ang kanyang mga Oklahoma City star­ters.

PACERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with