Lakers, Pelicans sibak sa first round

Anthony Davis of the Los Angeles Lakers.
Sean M. Haffey / Getty Images / AFP

DENVER - Isinalpak ni Jamal Murray ang isang game-winning 14-footer sa huling 3.6 segundo ng laro para sa 108-106 pag-eskapo ng nagdedepensang Nuggets sa Los Angeles Lakers sa Game Five at tapusin ang kanilang W­estern Conference first-round series.

Isinara ng Denver sa 4-1 ang kanilang duwelo ng Los Angeles na nauna na nilang winalis sa nakaraang semifinals series.

Lalabanan ng Nuggets sa semis ang Minnesota Timberwolves na kinumpleto ang four-game sweep sa Phoenix Suns sa first round.

Tumapos si Murray na may 32 points  habang may 25 points, 20 rebounds at 9 assists si Nikola Jokic at humataw si Michael Porter Jr. ng 26 markers.

Pinamunuan ni Le­Bron James ang Lakers sa kanyang 30 points at 11 assists at humakot si Anthony Davis ng 17 points at 15 rebounds.

Ang dalawang free throws ni James ang nagtabla sa LA sa 106-106 sa huling 26 segundo kasunod ang game-winning jumper ni Murray sa nala­labing 3.6 segundo para sa panalo ng Denver.

Sa New Orleans, winalis ng Oklahoma City Thunder ang Pelicans sa kanilang first-round playoff duel sa pamamagitan ng 97-89 panalo sa Game Four.

Tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 24 points at 10 rebounds  para sa Thunder na sasagupain sa semis ang mananaig sa first-round series ng LA Clippers at Dallas Mavericks.

Sa Miami, bumira si Derrick White ng career-high 38 points sa 102-88 pagdaig ng Boston Celtics sa Heat at kunin ang 3-1 lead sa kanilang Eastern Conference opening-round playoff series.

Show comments