Terrafirma nakatutok sa mga picks sa PBA Draft

MANILA, Philippines — Bukod kina slotman Isaac Go at guards Allen Mi­na at Javier Gomez de Lia­no, nakatutok din ang Ter­rafirma sa darating na PBA Draft.

Gusto ni head coach Johnedel Cardel ang istilong ‘run and gun’ team.

“Kailangan ang mga ba­ta, para mag-conform do­on sa sistemang gusto naming i-implement, which is more of takbuhan sa offense and more pressure on defense,” wika ni Cardel

May hawak ang Dyip ng dalawang first round picks at dalawang se­cond round choices sa PBA Rookie Draft na nakatakda sa Setyembre 17.

Sa kanilang pagsabak sa PBA on Tour ay nag­lista ang Terrafirma ng 1-3 record.

“May mga iba pa ka­ming players na sinusubu­kan sa ngayon na baka uubra,” sabi ni Cardel. “Pe­ro ang tinitingnan namin primarily iyong draft.”

May mga free agents at rookie aspirants na nagla­laro sa Dyip na posibleng kunin ni Cardel.

“As long as they conti­nue to work hard and give the effort every time na ipi­nasok sila, mas mapa­pa­dali para sa aming coa­ches iyong selection process na siya naming punto talaga nitong ‘On Tour’ para sa aming lahat,” ani Cardel.

Show comments