^

PSN Palaro

Game 1 importante sa isang serye — Cone

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Game 1 importante sa isang serye â Cone
Ginebra coch Tim Cone.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa isang best-of-five se­ries ay mahalaga sa isang koponan ang kaagad makopo ang Game One.

Ito ang opinyon ni coach Tim Cone sa pagsa­gupa ng nagdedepensang Barangay Ginebra sa NLEX sa kanilang semifi­nals showdown sa PBA Go­vernors’ Cup na magsi­simula sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.

“You always want to try to set the tone in Game One, especially in a five-game series,” wika ng two-time PBA Grand Slam champion coach.

“It’s a quick series, so that Game One is crucial.”

Dalawang beses tinalo ng No. 6 Gin Kings, may ‘twice-to-beat’ disadvantage sa quarterfinals, ang No. 3 TNT Tropang Giga, 104-92 at 115-95, para uma­bante sa semis.

Bumangon naman ang No. 2 Road Warriors, nag­­bitbit ng ‘twice-to-beat’ bo­nus, mula sa 79-93 pag­ka­talo sa No. 7 Alaska Aces matapos kunin ang 96-80 tagumpay para tapusin ang kanilang quarterfinals duel.

Pinatumba na ng NLEX ang Ginebra, 115-103, no­ong Marso 4 sa eliminas­yon.

Marami ang nawalan ng paniniwalang makaka­pa­sok ang Gin Kings sa se­mis.

“It’s been a trial trying to get everything back to where it was two conferen­ces ago, Having Justin (Brownlee) back helped us out,” ani Cone. “We went through a bad stretch when we came (from the COVID-19 surge). We were 3-0 and then we lost four games in a row. All to our heels.”

Ngunit bumalikwas ang ‘never-say-die’ team pa­ra buhayin ang tsansang mai­depensa ang kanilang Go­vernors’ Cup crown na inangkin nila noong 2019 kasunod ang pandem­ya.

“I think people tend to for­get that we won two championships before and then we had a letdown in the last conference. It’s kind of normal, it’s natural to have that kind of letdown,” sabi ng 64-anyos na pupuntiryahin ang kanyang ika-24 PBA championship.

Magtutuos din sa isang best-of-five semis series ang Magnolia at Meralco, ang No. 1 at No. 4 team sa eliminasyon.

GAME ONE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with