Gilas Women yuko sa Australia

MANILA, Philippines — Patuloy na inaalat ang Gilas Women matapos umani ng panibagong 56-120 demolisyon sa kamay naman ng Australia sa FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa Prince Hamza Arena sa Amman, Jordan.

Nanguna para sa Gilas Women si Janine Pontejos na may 13 puntos habang naglista naman si Kristine Cayabyab ng 10 markers, at tig-walo sina Afril Bernardino at Ria Joy Nabalan.

Subalit hindi ito sapat para dalhin ang Gilas Women sa panalo.

Halimaw ang Australia na may anim na players na nagtala ng double di­gits kabilang na si Lauren N­icholson na nagsumite ng 21 markers.

Ramdam na ramdam ang dominasyon ng Australians sa shaded area matapos humatak ng 68 rebounds kumpara sa 25 lamang ng Pinay cagebelles.

Bagsak sa ilalim ng Group B ang Gilas Wo­men taglay ang 0-2 marka kasalo ang Chinese-Taipei na may parehong marka.

Magkasama naman sa unahan ang China at Australia na may magkatulad na 2-0 kartada.

Sunod na makakasagupa ng Gilas Women ang Chinese-Taipei sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng hating gabi sa Maynila).

Show comments