^
Para athletes gustong pumasok sa bubble training
Mike Barredo
STAR/File

Para athletes gustong pumasok sa bubble training

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi lamang ang mga elite athletes na nagha­handa sa 31st Southeast Asian Games ang nanga­ngailangan ng training.

Hiniling ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo sa Philippine Sports Commission (PSC) na payagan silang pumasok sa isang ‘bubble’ training para paghandaan ang 11th ASEAN Para Games sa Hanoi, Vietnam sa Disyembre 17-23.

Bukod sa ASEAN Para Games ay lalahok din ang mga national Para athletes sa Tokyo Paralympic Games at sa 4th Asian Youth Para Games.

Noong 2017 ASEAN Para Games na idinaos sa Kuala Lumpur, Malaysia ay humakot ang Team Philippines ng 20 gold, 20 silver at 29 bronze medals sa 16 sports events.

Ilang national teams na ang pinayagan ng PSC na pumasok sa ‘bubble’ trai­ning bilang preparasyon sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre.

Plano ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na magbukas ng ‘bubble’ training para sa mga national athletes sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, PhilSports Arena sa Pasig City, Teachers Camp sa  Baguio City at sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

MIKE BARREDO PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with