^

Hawks tambak sa Rockets

(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

HOUSTON -- Sa loob ng 31 minuto ay kumamada si James Harden ng season-high na 60 points.

Sapat na ang nasabing produksyon ng star guard para banderahan niya ang Rockets sa 158-111 pagdurog sa Atlanta Hawks.

Ito ang ikaapat na career 60-point game ni Harden para pantayan si Michael Jordan para sa third-most sa NBA history sa ilalim nina Kobe Bryant (36) at Wilt Chamberlain (32).

Si Harden ang tanging active player na umiskor ng 60 points.

Ipinalasap ng Houston ang pang-10 dikit na kamalasan ng Atlanta.

Pinangunahan ni Trae Young ang Hawks mula sa kanyang 37 points tampok ang limang triples.

Sa Milwaukee,nagtala si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 9 rebounds para tulungan ang Bucks sa 137-96 paggupo sa Charlotte Hornets.

Natapos ang double-double streak ni Antetokounmpo sa 19 games sa paglalaro niya sa loob lamang ng 20 minuto.

Ito ang ika-11 sunod na pananalasa ng Milwaukee (17-3) para pantayan ang kanilang highest point total sa season.

Sa Philadelphia, nagposte si Joel Embiid ng 32 points at 11 rebounds at may tatlong steals si Ben Simmons sa huling 13.9 segundo para sa 119-116 paglusot ng 76ers laban sa Indiana Pacers.

INDIANA PACERS JAMES HARDEN JOEL EMBIID ROCKETS WILT CHAMBERLAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with