Cariaso pinalitan si Compton
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang limang ta­on na pamamahala sa Alas­ka bilang head coach ay nagdesisyon si team ow­ner Wilfred Uytengsu na palitan si Alex Compton.

Inihayag kahapon ng Aces ang paghirang kay as­sistant Jeffrey Cariaso bilang kapalit ni Compton si­mula sa darating na 2019 PBA Governor’s Cup na magsisimula sa Setyembre 20.

“We also share that win­ning (with integrity) is an important aspect of our team, and are grateful that Alex stepped aside to pave the way for someone else to lead our Aces to our next championship,” wika ni Uytengsu.

Sa ilalim ng 46-anyos na si Compton ay nakapasok ang Alaska sa limang PBA Finals sa 15 confe­rences.

Huling umabante ang Aces sa championship se­ries noong 2018 Go­ver­nors’ Cup kung saan si­la yumukod sa Magnolia Hotshots.

“I accepted his direction and have agreed to re­sign as head coach of the Alaska Aces. It has been an honor for me to coach such a storied franchise,” sa­bi ni Compton.

“I have made great rela­tionships and have a lot of love for people in the orga­ni­zation. Being a part of the Alaska family has meant a lot to me and my family, and we will always treasure our time with the Aces,” dag­dag pa ng American mentor na dating naglaro bilang se­cond import ng Welcoat sa PBA noong 2007 at 2008 Fiesta Conference.

Umaasa naman ang 46-anyos na si Cariaso na magiging una siyang Alas­ka player na nagwagi ng PBA crown bilang player at head coach.

“I am honored for the op­portunity, and genuinely humbled as I face the challenge,” ani Cariaso. “Cer­tain­ly, I will give my best, no­thing less.”

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na magiging head coach ang seven-time PBA champion matapos giyahan ang Barangay Gi­nebra noong 2014 bilang kapalit ni Ato Agustin.

Siya ang No. 6 overall pick ng Alaska noong1995.

JEFFREY CARIASO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with