GAME 7
FREE THROWS - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2019 - 12:00am

Bakbakan mamayang gabi sa PBA.

Game 7 ng San Miguel Beer at Magnolia para sa Philippine Cup.

Wala sanang manggulo.

Nasa presinto pa yata si Spiderman.

Kaya umaasa ang PBA fans ng isang magandang laro. Yun bang pang Game 7 na kalibre.

Nag-ping-pong ang Magnolia at SMG sa first six games. Nagpalitan ng panalo hanggang umabot sa 3-3.

Actually, patapos na sana nung Linggo ang serye pero na-deny ang Magnolia.

 Tinuro pa nga ni Arwind Santos ang mga lobo na nakapwesto na sa kisame ng Araneta Coliseum.

 Kung nanalo ang Magnolia, pakakawalan na sana ito.

Pero ang sabi raw ni Arwind, para sa kanila ang mga lobong ito.

 Well, kahit sino ang manalo mamaya, mahuhulog na ang mga lobo at iba pang palamuti.

 Ika-limang sunod na Philippine Cup ang hangad ng San Miguel. Sa akin, liyamado sila.

 Inuulit ko lang, sana ay exciting na laro ang mapanod natin.

 Baka kasi kung magkatambakan eh maglaro ang isip ng ibang fans na may nagpadama lang.

Perdigana. 

SAN MIGUEL BEER VS MAGNOLIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with