^

Iguodala lalaro sa Game 3

(Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2018 - 12:00am

OAKLAND, California — Nakumpleto ni Golden State Warriors forward Andre Iguodala ang isang individual workout na walang nararamdamang sakit at maaari nang maglaro sa NBA Finals.

Wala pang katiyakan kung maaari nang sumama si Iguodala sa active roster ng Golden State para sa Game Three sa Cleveland sa Huwebes (Manila time).

Tumakbo si Iguodala nang walang anumang naram­damang sakit at maikukunsidera ni head coach Steve Kerr sa NBA Finals.

“I am to play in Game 3, but I’ve aimed to play in Game 2 and Game 3. We’ll just have to see,” wika ni Iguodala sa ESPN.

Nagkaroon si Iguodala ng bone bruise sa kanyang kaliwang tuhod sa Game Three ng Western Conference finals at hindi na nakalaro sa huling anim na laban ng Warriors.

Sinabi ni Kerr na matapos ang Game Two ay optimistiko ang Golden State na makakalaro na si Iguodala.

ANDRE IGUODALA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with