^

PSN Palaro

San Sebastian nakauna

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas(Ynares Sports Arena, Pasig City)

 4 p.m.- Zark’s Burger  vs Che’Lu Bar 

MANILA, Philippines — Umiskor si Samboy de Leon ng krusyal na basket  sa huling minuto upang iangat ang Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian sa 107-103 panalo kontra sa Zark’s Burger-Lyceum sa Game 1 ng kanilang best-of-three championship series sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center.

Tumapos si De Leon ng 18 puntos kabilang na ang isang triple para maitabla ang laban, 101-101 mahigit 1:10 na lang ang natitira sa fourth quarter.

Ang basket ni De Leon ang siyang naggiya sa Re­vellers para pangunahan ang short series, 1-0.

Asam ng Revellers ni coach Stevenson Tiu na walisin ang serye sa kanilang muling paghaharap sa Game 2 bukas sa Ynares Sports Arena.

 “Both teams deserved to win. Siguro noong endgame lang kami talaga nagkaroon ng suwerte. Mas maganda lang ‘yung defense namin. But I think they will come back,” sabi ni Che’Lu coach  Tiu.

Kahit nawala si Jeff Viernes dahil lumipat na sa Globalport Batang Pier sa PBA, hindi masyadong naramdaman ng Revellers ang kanyang pagkawala dahil agad na naka-adjust ang tropa ni Tiu.

Bukod kay De Leon, umiskor din ng 17 puntos at 10 rebounds si Alfred Batino habang si Michael Calisaan ay umani rin ng 15 puntos na may kasama ring 12 rebounds bagama’t galing pa ito sa injury.

Lumamang pa ang Zark’s Jawbreakers, 90-81 bago umarangkada ang Revellers ng 11-2 run sa pangunguna ni De Leon.

Si De Leon ay tumipak din ng apat sa kanyang limang attempts mula sa three-point area para isalba ang Revellers at humakbang ng isang laro para tuluyang masikwat ang korona.

Pinangunahan ni Jaycee Marcelino ang Zark’s Burger sa kanyang 23 puntos habang si Mike Nzeusseu ay tumulong ng 19 puntos at 11 rebounds. 

Nalimita naman si CJ Perez sa walong puntos para sa tropa ni coach Topex Robinson.

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with