PSL selection sasabak sa Thailand tourney
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 2, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Tuloy ang Philippine Superliga sa pagbibigay ng international exposure sa mga Pinay spikers dahil magpapadala ito ng koponan sa 2017 Annual Princess Maha Chakri Sirindhorn’s Cup Volleyball Tournament na gaganapin sa Sisaket, Thailand.

Pumili ang PSL ng mahuhusay na manlalarong sasabak sa naturang torneo sa pangunguna nina Mika Reyes, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimaculangan at Jovelyn Gonzaga na galing sa kampanya sa AVC Asian Senior Women’s Championship at 29th Southeast Asian Games.

Makakasama nila sa pagkakataong ito sina Filipino-American Mar Jana Philips at Honey Royse Tubino na parehong open spikers gayundin sina libero Jheck Dionela at Bang Pineda, middle hitter Remy Palma, at playmaker Chie Saet na magsisilbing backup setter.

Hahawakan ni multi-titled Petron mentor Shaq Delos Santos ang koponan.

Mapapalaban ang PSL Selection sa matitikas na koponan sa Thailand kabilang na ang Bangkok Glass. Lalahok din ang PEA-Sisaket, Khonkaen Star VC, So UK Volleyball Team at Rangsit University.

Pasok ang PSL Selection sa Group B kasama ang Bangkok Glass at Rang­sit University at nasa Group A naman ang PEA-Sisaket, Khonkaen Star VC at So UK Volleyball Team.

Masisilayan sa aksiyon ang PSL Selection bukas (Lunes) laban sa Bangkok Glass kasunod ang Rangsit University sa Setyembre 6.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with