^

PSN Palaro

Cocolife sa No. 3 spot

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magarbong tinapos ng Cocolife ang group stage nang palugmukin ang Cherrylume sa bendisyon ng kumbinsidong 25-22, 25-16, 25-19 panalo kagabi sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference na dumayo pa sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

Matikas na sinandalan ng Asset Managers si team captain Michele Gumabao na pumalo ng 10 attacks at isang ace habang nakatuwang nito sa opensa si UST standout Shannen Palec na may siyam na puntos.

Nakuha ng Cocolife ang No. 3 spot sa Pool D ta­ngan ang 2-4 rekord.

Makakatipan ng Cocolife ang Invitational Cup champion Cignal sa quarterfinals na magsisimula bukas sa The Arena sa San Juan City.

Bumagsak naman ang Cherrylume sa 0-6 kartada para makasagupa ang top seed Foton sa knockout stage.

Magtatagpo naman sa iba pang quarterfinal pairings ang reigning champion F2 Logistics at Generika-Ayala, at ang Petron at Sta. Lucia Realty.

“We’re still working on our communication inside the court. We had some lapses in our communication in our past few games. I hope we could resolve that now that we’re entering the quarterfinals. We still have a lot of things to work on,” sambit ni Gumabao.

Inilabas ng Cocolife ang bangis nito nang magpa­kawala ang tropa ng 34 attacks laban sa 19 lamang ng Cherrylume.

Nakakuha rin ang Asset Managers ng 32 libreng puntos mula sa errors ng Iron Lady Warriors.

Nagbida para sa Iron Lady Warriors si skipper Mary Ann Mendrez na may 11 puntos.

Malakas na puwersa ang nakuha ng Iron Lady Warriors sa service area nang magpakawala ito ng siyam na aces laban sa lima ng Asset Managers.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with