^

PSN Palaro

Sweep SA Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sweep SA Japan
Napangiti na lamang si Mika Reyes ng Petron nang mabigong mahabol ang bola laban sa nagreynang Kobe Shinwa University.

Cignal Co-Champion

MANILA, Philippines -  Nakumpleto ng Kobe Shinwa Women’s University ang matamis na sweep matapos ilista ang 25-17, 25-19, 21-25, 25-18  laban sa Petron upang angkinin ang kampeonato sa 2017 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Rumatsada si Mariko Fujiwara ng 14 puntos habang umariba si Kana Edamatsu ng 13 hits para pamunuan ang Kobe Shinwa sa panalo.

“We had fun facing your team. We hope you learned something from us the same way we learned something from you,” ani Japanese coach Kiyokazu Yamamoto.

Itinanghal namang co-champion ang Cignal na tumapos ng 2-1 rekord sa final round kabilang ang 25-20, 25-18, 25-22 panalo laban sa two-time Grand Prix champion Foton.

Balanse ang ilnilatag na atake ng HD Spikers sa pangunguna ni Cherry Vivas na may siyam na puntos habang may walo naman si Steph Mercado, pito si Jovelyn Gonzaga at tig-anim sina Janine Marciano at Honey Royse Tubino.

Nasungkit ni Gonzaga ang Most Valuable Player ha­bang ang iba pang awardees ay sina Ces Molina ng Petron (First Best Outside Spiker), Rachel Anne Daquis ng Cignal (Second Best Outside Spiker), Chihiro Fujiwara ng Kobe Shinwa (First Best Middle Blocker), Maica Morada (Second Best Middle Blocker), Chi Saet ng Cignal (Best Setter), Mary Grace Berte ng Foton (Best Opposite Spiker) at Angelique Dionela ng Cignal (Best Libero).

Nagtapos bilang second runner-up ang Petron na may 1-2 rekord habang third-runner-up ang Foton na walang naipanalo sa final round matapos magtamo ng injury ang team captain nitong si Dindin Santiago-Manabat.

Sa classification round, nalusutan ng Generika-Ayala ang Cocolife, 25-18, 26-24, 26-24 para mahablot ang ikaapat na puwesto.

Nagkasya sa ikalimang puwesto ang Asset Mana­gers na nakakuha ng tig-walong puntos mula kina Mi­chele Gumabao at Wensh Tiu. 

KANA EDAMATSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with