^

PSN Palaro

Gasol sumailalim sa surgery

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO — Sumailalim si Spurs center Pau Gasol sa isang surgery para ayusin ang kanyang fractured left ring finger.

Sinabi ng Spurs na hindi pa nila alam kung kailan ma­kakabalik si Gasol sa kanilang line-up.

Napinsala ang left fourth metacarpal ng 16-year ve­teran matapos ang kanyang layup sa home victory ng Spurs laban sa Denver Nuggets.

Tangka ang running hook sa kanyang pagsulpot sa kaliwang bahagi ng basket, nakorbo ang kaliwang ka­­may ni Gasol sa kaliwang balikat ni Kyle Anderson ng Nuggets.

Kaagad hinawakan ni Gasol ang kanyang kamay at lumabas ng court para sumailalim sa X-rays.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakalaro si Gasol sa season dahil sa injury.

Ito ang unang season ng seven-foot center mula sa Spain para sa Spurs matapos pumirma bilang isang free agent makaraan ang dalawang seasons sa Chicago Bulls.

Nagtala siya ng mga averages na 11.7 points at 7.9 rebounds sa 39 games ng San Antonio (33-9) na mag­tutungo sa Cleveland sa Sabado para labanan ang Cavaliers, ang koponang may second-best record.

SPURS CENTER PAU GASOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with