Roach darating sa Feb. 12 para sa training ni Manny
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang duma­ting sa Pebrero 12 si chief trainer Freddie Roach para simulan ang training camp ni Manny Pacquiao sa Ge­ne­ral Santos City.

Sinabi ni Roach na inaasahan niyang nasa kondis­yon na ang Filipino world eight-division champion sa sandaling buksan nila ang training camp.

“I’m going to leave for the Pacquiao camp on Feb­ruary 12th and I get there on the 14th. We’ll start training that day,” wika ni Roach sa BoxingScene.com mu­la sa kanyang Wild Card Bo­xing Club sa Hollywood.

Muling lalabanan ni Pacquiao sa pangatlong pagkakataon si Timothy Bradley, Jr. sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Susubukan ng 37-an­yos na si Pacquiao na aga­win sa 33-anyos na si Bradley ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang pagharap kay Bradley ang sinasabing ma­gi­ging farewell fight ni Pac­quiao bago tutukan ang kanyang po­litical career.

Bago lisanin ang boxing ay determinado si Pacquiao na mapabagsak si Bradley.

Huling umiskor si Pacquiao ng KO victory noong 2009 nang pigilan si Miguel Cotto sa 12th round.

Kakandidato si Pacquiao para sa Senatorial race.

ACIRC ANG BRADLEY FREDDIE ROACH LAS VEGAS MANNY PACQUIAO MIGUEL COTTO PACQUIAO SANTOS CITY SHY TIMOTHY BRADLEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with