Kasaysayan o gatas?
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang koponang nagtatangkang makamit ang kanilang unang All-Filipino Cup matapos noong 2000 laban sa tropang gustong sumulat ng kasaysayan hindi lamang sa PBA kundi sa kabuuan ng professional sports.

Sa kahuli-hulihang pakakataon ay magsasagupa ang Alaska at ang nagdedepensang San Miguel sa Game Seven ng 2016 PBA Philippine Cup Finals.

Nakatakda ang bakbakan ng Aces at Beemen ngayong alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inangkin ng Alaska ang Game One (100-91), Game Two (83-80) at Game Three (82-75) bago natakasan ng San Miguel sa dalawang overtime games sa Game Four (110-104) at Game Five (86-73).

Tuluyan nang nakapuwersa ang Beermen ng Game 7 matapos muling pabagsakin ang Aces sa Game 6 (100-89).

Sa kabila ng kanilang tatlong sunod na kabiguan ay kumpiyansa si Alaska coach Alex Compton na sila pa rin ang makakakuha ng kampeonato ng Philippine Cup na huli nilang napasakamay noong 2000 sa ilalim ni two-time PBA Grand Slam mentor Tim Cone.

“We got to play. We have no excuses for the hole we’re in. We’re playing an excellent, well-coached team that has played in the last three games,” sabi ni Compton.

Nauna nang tinalo ng Beermen ang Aces sa nakaraang PBA Philippine Cup at Governor’s Cup Finals.

“It’s a one-game toss-up. We’ll see what happens,” dagdag pa ng American mentor.

Ang pagsulat sa kasaysayan at ang pagsikwat sa kanilang pang-22 PBA crown ang nasa isip naman ng San Miguel, iginiya ni coach Leo Austria sa dalawang titulo noong nakaraang season.

“Hindi importante sa amin ‘yung bonus. Ang importante sa amin ay ‘yung history dahil I think ‘yun ang inaasam ng lahat,” wika naman ni Austria.

Sa anumang professional sporting event ay wala pang koponang nakakabangon mula sa 0-3 pagkakabaon para ipanalo ang serye.

Napabuti ang four-day break para makarekober si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo sa kanyang left knee injury.

Muling naglaro si Fajardo sa panalo ng Beermen sa Game Five at Game Six matapos magkaroon ng hyperextended left knee injury sa kanilang semifinals series ng Rain or Shine Elasto Painters.

Sa kabila ng paglalaro ng 6-foot-10 na si Fajardo ay kumpiyansa pa rin si Alaska power forward Vic Manuel na sila pa rin ang mananaig sa huli.

“Third time na namin nagharap. Iniisip namin na itong All-Filipino, para sa amin talaga. Hindi na puwedeng mapunta pa sa kanila,” sabi ni Manuel. “Hindi na namin puwedeng pakawalan pa.”

ACIRC ALEX COMPTON ALL-FILIPINO CUP ANG BEERMEN CUP FINALS FAJARDO GAME GAME FIVE PHILIPPINE CUP SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with