Baldwin sa PSA Forum
(Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ang darating na kampanya ng Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying  Tournament at ang hosting ng bansa sa event ang pag-uusapan ngayong umaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Pamumunuan ni team manager Butch Antonio ang pagtalakay kasama si coach Tab Baldwin sa public sports program na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918.

Makakasama rin ng dalawang top basketball perso­nalities sa session na inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp. sina volleyball players Bea Tan, Charo Soriano, at Jovelyn Gonzaga para sa Beach Volleyball Republic Tour na nakatakda sa Jan. 30-31 sa Ilocos Sur.

Bibisita rin sa forum sina Andres Alisuag ng Team Ganit at Rose Landicho ng Lima Park Hotel para sa Batangas Earth and Fire duathlon sa Balete, Batangas .

ANDRES ALISUAG BATANGAS EARTH AND FIRE BEA TAN BEACH VOLLEYBALL REPUBLIC TOUR BUTCH ANTONIO CHARO SORIANO GILAS PILIPINAS ILOCOS SUR JOVELYN GONZAGA LIMA PARK HOTEL OLYMPIC QUALIFYING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with